Paano Namin Ginagawang Secure ang Data Mo
Pinapanatili namin (CareEvolution) o ng aming mga awtorisadong partner ang Data mo sa United States.
Gumagamit kami ng mga naaangkop na pisikal, pang-organisasyon, at teknikal na proteksyon para pangalagaan ang pagiging kumpidensyal, integridad, availability ng Data na kinokolekta namin. Halimbawa, naka-encrypt ang data mo habang naka-store ito at habang ipinapadala ito alinsunod sa mga pamantayan sa seguridad na itinakda ng Federal Information Processing Standard (FIPS) ng National Institute of Standards and Technology (NIST), Publication 140-2: Mga Kinakailangan sa Seguridad para sa Mga Cryptographic Module. Ito ang mga pamantayang ipinag-uutos ng Departamento ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao para sa pagtiyak sa seguridad ng impormasyong pangkalusugan. Gayunpaman, hindi namin lubos na magagarantiyahan ang seguridad ng Data o anumang impormasyong ipapadala sa amin.
Kung ie-enable mo ang pagbabahagi sa mga manufacturer ng third-party na device at sa mga system nila (gaya ng Apple Health, Fitbit, Google Fit, Google Health Connect, atbp.) o sa planong pangkalusugan o health provider mo, nauunawaan mong gumagamit ang app ng mga standard na protokol sa seguridad, ayon sa ibinibigay ng mga third party, para protektahan ang privacy at seguridad ng impormasyon mo habang ipinapadala ito sa, at sino-store ito ng, mga third party na ito. Walang kontrol ang CareEvolution sa kanilang mga protokol sa seguridad.
Poprotektahan ang access sa App na nasa smartphone mo gamit ang biometric code (gaya ng Touch ID o Face ID) o passcode na na-enable mo sa smartphone mo. Mariin naming inirerekomenda na i-enable ang isa sa mga ito para maprotektahan ang pag-access sa lahat ng app sa smartphone mo, kabilang ang App namin.
Sinisikap naming protektahan ang privacy ng Personal na Impormasyong kinokolekta at hinahawakan namin pero hindi namin magagarantiyahan ang ganap na seguridad. Posibleng makompromiso ang seguridad ng Personal na Impormasyon mo anumang oras dahil sa hindi awtorisadong pag-access o paggamit, pagpalya ng hardware o software, at iba pang salik.
Paano Namin Ginagamit ang Data
Hindi kailanman ipagbibili o gagamitin para sa advertising ang Data mo.
Kinokolekta ng App ang Data mo para sa mga sumusunod na layunin:
- Para sa pagpapahusay ng pangkalahatang kalusugan, pangangasiwang medikal at pangangasiwa sa fitness, at para sa mga medikal na pananaliksik.
- Maaaring gamitin namin ang Data para maunawaan, ma-customize, at mapaganda ang karanasan ng user sa App. Halimbawa, puwede kaming gumamit ng mga serbisyo ng analytics para suriin ang impormasyong ito upang matulungan kaming maunawaan kung paano ginagamit at ginagalawan ng mga user ang App, paano at kailan ginagamit ang mga feature sa loob ng App, at ilang user ang gumagamit ng mga iyon.
- Puwede naming gamitin ang data nang wala ang impormasyong makakapagpakilala sa iyo (pangalan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, email address) para suportahan ang mga inisyatibo sa pananaliksik at kalusugan o pagpapahusay ng kalidad kasama ng mga external collaborator at partner.
Paano Namin Maaaring Ibahagi ang Data
Maliban sa nakasaad sa patakaran sa privacy na ito, hindi namin ipagbibili, ipaparenta, papaupahan, ipapamigay, ihahayag, o ibabahagi ang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, at hindi namin ihahayag nang walang pahintulot mo ang Data na kinokolekta namin gamit ang App. Hindi ibabahagi o ipagbibili para sa advertising ang anumang impormasyong kokolektahin ng App.
Kung iniaatas ng batas, maaaring magbahagi kami ng walang pagkakakilanlang Data sa mga ahensya ng Departamento ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng United States, sa Tanggapan para sa Proteksyon sa Pananaliksik kaugnay ng Tao, at sa iba pang ahensya o korte ayon sa iniaatas ng batas. Gayundin, maaaring ma-access ng Institutional Review Board sa mga institusyon ng Imbestigador na nagpapatupad ng Proyekto sa App ang walang pagkakakilanlang data para subaybayan ang kaligtasan at pagsasagawa ng pananaliksik kaugnay ng tao.
Maaari naming ibahagi ang Data sa mga Imbestigador at Proyektong pipiliin mong lahukan.
Puwede naming isama ang Data mong walang impormasyong makakapagpakilala sa iyo (aalisin ang impormasyong tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, at email address) sa data ng iba (na wala ring impormasyong makakapagpakilala) para magamit sa pananaliksik sa kalusugan at fitness at mga inisyatibo sa pagpapahusay ng kalidad.
May karapatan din kaming ihayag ang impormasyon mo na pinaniniwalaan namin, nang may magandang hangarin, na posibleng kailangan para i) protektahan ang aming intelektwal na pag-aari at iba pang karapatan; ii) managot, iii) protektahan ang aming mga sarili laban sa mapanlinlang, mapang-abuso, o ilegal na paggamit o aktibidad; iv) mag-imbestiga at ipagtanggol ang aming mga sarili laban sa anumang paghahabol o paratang ng third party; o v) protektahan ang mga karapatan o kaligtasan ng iba. Ipapaalam namin sa iyo ang anumang ganoong paghahayag.
Kapag nakikipagtulungan kami sa mga third party na nagbibigay ng mga serbisyo para sa amin, nagsasagawa kami ng mga hakbang para limitahan ang Personal na Impormasyong Makakapagpakilala na ibinibigay sa kanila at matiyak na makatwirang kinakailangan lang iyon para maisagawa nila ang kanilang mga gawain para sa mga pinapayagang layunin na nakalista sa itaas. Inaatasan namin sila na sumang-ayon na pangasiwaan at iproseso ang impormasyon alinsunod sa aming mga tagubilin at panatilihin ang pagiging kumpidensyal, integridad, at availability ng impormasyon sa pamamagitan ng paglalapat ng mga naaangkop na pang-organisasyon at teknikal na proteksyon.
May karapatan kaming ihayag at ilipat ang Data mo sa isang acquirer, successor, o assignee bilang bahagi ng anumang merger, acquisition, debt financing, pagbebenta ng mga asset, o katulad na transaksyon, o kapag nagkaroon ng insolvency, bankruptcy, o receivership kung saan inililipat ang impormasyon sa isa o higit pang third party bilang isa sa aming mga asset ng negosyo, sa sukdulan at sa paraang itinakda ng naaangkop na batas.